1017
Kung matapang ka, sabi ng Malakanyang, magboksing ka na lang kaya. Gayahin mo si Pacqiuao—bayani ng bayan, dala-dalwa ang asawa. Hindi ka sa amin uubra, isang aperkat lang ng batas-militar, tapos ang karir mong bata ka.
Magbibilang ka ng uban sa piitan tulad ni Beltran
Kung matapang kang magsulat-manudla, ituloy mo lang. Hindi naman makasusugat ang mga letra. Matitikman mo lang aking hagupit kapag umabot sa akin ang sumpit. Pero kung hindi, okey lang. Ibig sabihin, mahina ka---wala kang mambabasa. Hindi ka banta sa seguridad.
Ang Imahen sa TV
Francis Montesena
Nakita kita sa TV, nakangisi,
(na karaniwan sa aso);
nagmamagaling
sa pagbaba ng dolyar
nagmamaganda
sa di pagkatuloy ng kudeta
nagbabalitang
itataas ang sweldo ng manggagawa
nagsasabing
bumaba ang foreign debt
bumabatikos
sa kumakalaban sa sariling kampanya
umaawit
na papuri sa pataas daw na ekonomiya
Hallelujiah!
Mahabaging glorya.
Kaawaan sana.
Amen.
Martial Rule
Dala-dalaˇ¦y takot at pangambang sa puso ay nangyayanig
Isipan namaˇ¦y waring dinudurog ng mapanggipit na alalahanin
At itong mga mata ko ay natatakot nang tumingin sa paligid
Sa pagkadulipas ng paningin sa madugong pangitain
Kayaˇ¦t ang salamin ng katotohanan animoˇ¦y pinipiringan
Matitipunong mga kamay laging ikinukumo
Dahilan sa galit na laging ipinupukol
Dating malayang kamao ngayoˇ¦y ikinukulong
Ng mga posas at tanikalang bakal
Isang dipang pag-asa ay hindi mo na matanaw
Sa gitna ng nahahawakang dilim at pusikit na panahon
Ang Pagdakip sa Aking Tula
nakapaghanda,
binigla.
Dinakip
ang aking
mga salita.
Binusalan
ang mga paksang
hindi raw kailangang
itago sa mga imahe.
Itinali ang dulo
ng mga saknong
upang mahinto
ang pagdugtong
ng mga adhika.
Dahil sa pula
ang kulay
ng tinta...
bawal.
Di raw kailangang
humiyaw
ng panghihikayat
ang aking mga titik.
Isang paniniil,
Sa mga daliring
kumikiwal
ilabas ang totoo
sa mga likhang
hindi kaylanman
maikukulong
ng anumang batas
na pumipigil
sa pag-aaklas ng dibdib;
Mga tulang
di magpapatalo.
Akala lang nila
na wala akong
magagawa.
Pangungusap
Dumating kami dito nang walang tao,
Malawak ang espasyo, lubhang tahimik.
Hindi katulad ng dati, sabi ng matandang
Aktibista, habang sinasaid ang bote
Sa isang huntahan. Naririto kami sa pagitan
Ng kasaysayan at pagkalimot. Sa balita,
Inimbitahan ng mga pulis ang isang katulad
Ng matanda. May nagbanggit ng paninikil,
Pag-uulit ng mga kaganapan, diktadurya,
Bakit ngayon pa? Anibersaryo ng magkasintahan
At ito ang ipinagdiriwang ng binataˇ¦t dalaga.
Tinitingala namin ang pumanaw upang magsilbing
Proklamasyon 1017 (Bersyong 2006)
Walang magsasabing siya'y nagugutom,
Walang magdadasal ng tipun-tipon
O sisigaw nang sabay-sabay
O gagawa ng anumang bagay
Na makasisira sa reputasyon
Ng gobyernong kumalinga
Sa inyo nang tapat
At buong puso.
Ang katanggap-tanggap
Lamang na mga salita
Ay sabihing ika'y mamamayan
Ng isang matatag na republika
Sa ilalim
Ng isang matatag na pangulo.
Ang susuway ay dadakpin,
Aagawan ng ari-arian,
Aalisan ng kalayaan,
Tatatakan sa ulo ng marka ng terorista
At ipauubaya
Sa kamay ng militar.
Pag-aaklas
Dulot ng kawing-kawing ibaˇ¦t ibang kadahilanan
Nagsisilbing panagot sa pang-aaping naranasan
At mga kabiguan sa mga taong pangahas.
Ngunit ang puhunan ng mga ito
Ay tapang at talino
Upang maibagsak ang mapaniil na isipan
Gumiba ng mga prinsipyo at kathang mapanlinlang
At maitatag ang paniniwalang totoo.
Ang adhikaing magpapalaya
Sa mga bilanggo ng pagkaapi
Pag-aaklas laban sa kamay ng berdugo
Upang itong buhay makakalag sa tanikala
Anupaˇ¦t ialay kung minsan
Itong dunong at lakas
Kahit na ang kapalit ay magitlang kamatayan
Dumaloy man ang dugo
Closet Queen
nang mag-OUT si Gloria;
closet queen palang pasista.
Nang Bawiin ang Proklamasyon 1017
At parusahan ang mga tahasang magsasabing sila ay nababahuan
Mababawasan nga ba ang sangsang sa paligid gayong butas ang panaklob?
Mapipigilan kaya ang panganganak ng mga namiyestang langaw at lamok?
Magagamot ba ang nanikip at nasugatang baga ng mga nakasinghot
Na hanggang ngayo'y nakaratay sa pagamutang walang bubong?
Matindi na ang kumplikasyon ng kontaminasyon
Tumutusok at lumilikha ng malaking siwang sa osown
Kaya nga tayo binabato ng masungit na araw
At nginangalirang ang mga dahong dati'y silungan
Numero
si makoy may pd 1081, si ramos may pilipinas 2000
eto ngayon si gloring may pp 1017.
sinubukan kong tayaan
ang lahat ng iyan, sa jueteng, lotteng
ending, sa lotto; pero anak ng pating!
wala ni isang nanalo.
numero daw ang sasalba sa mga pilipino.
konting dagdag, konting tapyas,
lahat yan may kinalaman sa numero.
dagdag na porsyento sa buwis,
dagdag na tao sa gobyerno,
dagdag na miyembro sa gabinete,
dagdag na budget sa sosyalan welfare,
dagdag na boto sa kahon
kaltas nang konti sa kabilang kahon.
dagdag na pahirap sa tao.