Dala-dala・y takot at pangambang sa puso ay nangyayanig Isipan nama・y waring dinudurog ng mapanggipit na alalahanin
At itong mga mata ko ay natatakot nang tumingin sa paligid Sa pagkadulipas ng paningin sa madugong pangitain Kaya・t ang salamin ng katotohanan animo・y pinipiringan
Matitipunong mga kamay laging ikinukumo Dahilan sa galit na laging ipinupukol Dating malayang kamao ngayo・y ikinukulong Ng mga posas at tanikalang bakal
Isang dipang pag-asa ay hindi mo na matanaw Sa gitna ng nahahawakang dilim at pusikit na panahon Kahintakutan ang idinidikdik sa bawat taong lalaban Sa puwersa ng rehimeng at dinastiyang mga lider Anupa・t ipapaslang ang pipiyok sa pamamahala
Ang dating matapang at malayang tinig At ang alingawngaw ng paghahayag ng katotohanan Sa EDSA man o Mendiola ngayon ay nasaan? Dahilan ba sa takot kaya・t hindi maapuhap Ang malakihang pagpupulong ngayong dagling tinitibag Upang ang lakas ng puwersa hindi na makapaglayag
Ang pamamahayag ng tinta at imprenta Unti unti nang sinasakal ng berdugo・t maninila Karapatan sa pagsusulat ibayong nagdurusa Sa piling ng mga pugante na gahaman sa kapangyarihan Itong pulisya at mga sundalo sunud-sunuran sa liderato Na sa kung anong layon sa tungkulin ba・y tumutugon? Taong baya・y kimi sa batas militar na pangulo.