Entry: Ang Pagdakip sa Aking Tula Friday, March 10, 2006



Hindi ako
nakapaghanda,
binigla.

Dinakip
ang aking
mga salita.

Binusalan
ang mga paksang
hindi raw kailangang
itago sa mga imahe.

Itinali ang dulo
ng mga saknong
upang mahinto
ang pagdugtong
ng mga adhika.

Dahil sa pula
ang kulay
ng tinta...
bawal.

Di raw kailangang
humiyaw
ng panghihikayat
ang aking mga titik.

Isang paniniil,

Sa mga daliring
kumikiwal
ilabas ang totoo
sa mga likhang
hindi kaylanman
maikukulong
ng anumang batas
na pumipigil
sa pag-aaklas ng dibdib;
Mga tulang
di magpapatalo.

Akala lang nila
na wala akong
magagawa.

 

Francis Montesena

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments