Entry: Ang Imahen sa TV Friday, March 10, 2006



(interbyu sa DZBB Marso 7, 2006 ng umaga)
Francis Montesena



Nakita kita sa TV, nakangisi,
(na karaniwan sa aso);

nagmamagaling
sa pagbaba ng dolyar

nagmamaganda
sa di pagkatuloy ng kudeta

nagbabalitang
itataas ang sweldo ng manggagawa

nagsasabing
bumaba ang foreign debt

bumabatikos
sa kumakalaban sa sariling kampanya

umaawit
na papuri sa pataas daw na ekonomiya

Hallelujiah!

Mahabaging glorya.

Kaawaan sana.

Amen.

 

Francis Montesena

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments