|
|
Nakasisilaw ang hedlayt ng mga rumaragasa. Dumating kami dito nang walang tao,
Malawak ang espasyo, lubhang tahimik. Hindi katulad ng dati, sabi ng matandang
Aktibista, habang sinasaid ang bote Sa isang huntahan. Naririto kami sa pagitan
Ng kasaysayan at pagkalimot. Sa balita, Inimbitahan ng mga pulis ang isang katulad
Ng matanda. May nagbanggit ng paninikil, Pag-uulit ng mga kaganapan, diktadurya,
Bakit ngayon pa? Anibersaryo ng magkasintahan At ito ang ipinagdiriwang ng binataˇ¦t dalaga.
Tinitingala namin ang pumanaw upang magsilbing Ningas, ang nagsa-tansong mga tinig na nagtipon
Dito, mga boses na inangkin ang marapat Na kanila. Lahat ng itoˇ¦y nakaraan na.
Naririto kami, nangungusap ng mga simbolo. Sa mga dumaraan, halikayo,
Magsindi ng kandila sa panahon ng ligalig, Sa halip na murahin ang dilim.
Halikayo, hindi init ang hinahanap namin Kundi liwanag; mabilis itong nagagapi
Ng hangin, napapaso kami upang magpanatili. Nagugunita ang kuwento ng isang ina
Tungkol sa gamu-gamo. May humihintoˇ¦t bumubusina; Halikayo, saksihan ang nais sa mga iglap ng liyab ˇV
Kapayapaan, kalayaan, katotohanan, isang gabi Ng panatag na pananaginip. Sa ibang panahon,
Sumisigaw ako ng hustisya, katarungan, Subalit hindi ito ang tunay na ibig
Sabihin. Papet, pasista, patalsikin, patalsi-. Hindi ito, hindi ito, kundi makiramdam,
Pakiusap, makiramdam kayo sa amin.
Ernanie Rafael
|