|
Walang magsasabing siya'y nagugutom, Walang magdadasal ng tipun-tipon O sisigaw nang sabay-sabay O gagawa ng anumang bagay Na makasisira sa reputasyon Ng gobyernong kumalinga Sa inyo nang tapat At buong puso. Ang katanggap-tanggap Lamang na mga salita Ay sabihing ika'y mamamayan Ng isang matatag na republika Sa ilalim Ng isang matatag na pangulo. Ang susuway ay dadakpin, Aagawan ng ari-arian, Aalisan ng kalayaan, Tatatakan sa ulo ng marka ng terorista At ipauubaya Sa kamay ng militar.
Marlon Hacla
|
| Leave a Comment: |