|
Palasak na wika ang salitang pag aaklas Dulot ng kawing-kawing ibaˇ¦t ibang kadahilanan Nagsisilbing panagot sa pang-aaping naranasan At mga kabiguan sa mga taong pangahas. Ngunit ang puhunan ng mga ito Ay tapang at talino Upang maibagsak ang mapaniil na isipan Gumiba ng mga prinsipyo at kathang mapanlinlang At maitatag ang paniniwalang totoo. Ang adhikaing magpapalaya Sa mga bilanggo ng pagkaapi
Pag-aaklas laban sa kamay ng berdugo Upang itong buhay makakalag sa tanikala Anupaˇ¦t ialay kung minsan Itong dunong at lakas Kahit na ang kapalit ay magitlang kamatayan Dumaloy man ang dugo Sa kamay ng bala ng kalaban Ang mahalagaˇ¦y hawak ang isang paninindigan Ang mabuhay tuwina Sa marangal na bayan Kaluluwa nitong watawat ay ang pag aaklas.
Rey Tamayo
|