Entry: Numero Friday, March 10, 2006



numero daw ang sagot sa problema ng bayan.
si makoy may pd 1081, si ramos may pilipinas 2000
eto ngayon si gloring may pp 1017.

sinubukan kong tayaan
ang lahat ng iyan, sa jueteng, lotteng
ending, sa lotto; pero anak ng pating!
wala ni isang nanalo.

numero daw ang sasalba sa mga pilipino.
konting dagdag, konting tapyas,
lahat yan may kinalaman sa numero.
dagdag na porsyento sa buwis,
dagdag na tao sa gobyerno,
dagdag na miyembro sa gabinete,
dagdag na budget sa sosyalan welfare,
dagdag na boto sa kahon
kaltas nang konti sa kabilang kahon.
dagdag na pahirap sa tao.

sa numero daw nakasalalay ang ikauunlad ng bansa.
numero ang economics, ang stock market,
ang foreign debt. numero din ang dollar reserves,
peso, yen, numero ang pera!
numero ang nakalagay sa statement of assests
and liabilities, numero ang bilang ng mga nagugutom
sa ilalim ng tulay, numero ang buwis,
dagdag na buwis, interes sa buwis,
di nakolektang buwis, dinayang buwis,
numero ang buwis - sit!
numero ang accounting, ang auditing,
numero ang sanhi ng corruption,
ang height ng corrupt,
numero ang 1081, ang 1017,
at numero din ang amoy ng batas militar!

Juaquin Mapagpanggap

   1 comments

Name
November 3, 2008   02:07 AM PST
 
pangit ang nagsulat anang numeroha paoso kaayo mga bulok

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments