|
Saturday, March 11, 2006
Kung matapang ka, sabi ng Malakanyang, magboksing ka na lang kaya. Gayahin mo si Pacqiuao—bayani ng bayan, dala-dalwa ang asawa. Hindi ka sa amin uubra, isang aperkat lang ng batas-militar, tapos ang karir mong bata ka.
Magbibilang ka ng uban sa piitan tulad ni Beltran
Kung matapang kang magsulat-manudla, ituloy mo lang. Hindi naman makasusugat ang mga letra. Matitikman mo lang aking hagupit kapag umabot sa akin ang sumpit. Pero kung hindi, okey lang. Ibig sabihin, mahina ka---wala kang mambabasa. Hindi ka banta sa seguridad.
Kung matapang ka at patiwakal, pumagitna ka sa digmaang NPA at militar. Saluhin mo ang mga bala ng kaaway sa halip na makipagsabwatan sa mga rebelde at komunista. O kaya, mamundok ka at kalagan ang mga kaawa-awang bihag ng mga salot na gerilyista.
Kung matapang ka at patiwakal, abangan mo ang pagnganga ng buwaya. Saka mo isuot ang pakialamero mong ulo sa kanyang bunganga. Baka sakaling makita at mabawi mo mula sa madilim na lalamunan hanggang tiyan ang mga ibinintang mong sinila nitong halimaw na nilalang.
Kung matapang ka tulad ni Rustom Padilla, magladlad ka na ng kulay. Kaliwa ba o kanan? Huwag kang doble-kara! Malakas ang radar ko, maaamoy din kita. Kung may kinikimkim kang masamang pithaya, isambulat mo na nang maaga bago ka maipagtabuyan sa bahay ni Gloria.
Kung matapang ka at patiwakal, bakit hindi ka kumuha ng matalas na punyal. Itarak mo sa dibdib ng kalabang terorista o kaya sa tulak, sa pulitikong maingay, sa ismagler, manunugal o magnanakaw na kapitbahay. Mas maganda kung gawin mo ang sarili na isang bomba, humanap ka ng makapal na madlang nagwewelga't patahimikin mo sila!
Kung matapang ka talaga, matigas ang mukha, makapal ang tinga, palalo, palamara, sadomasukista, buwaya, buwaka-ng-ina, etsetera?Halika! Kaunting treyning pa kay Bunye, isasali kita sa gabinete!
Lolito Go
Posted at 09:13 am by kamakata
nakibaka
Friday, March 10, 2006
(interbyu sa DZBB Marso 7, 2006 ng umaga) Francis Montesena
Nakita kita sa TV, nakangisi, (na karaniwan sa aso);
nagmamagaling sa pagbaba ng dolyar
nagmamaganda sa di pagkatuloy ng kudeta
nagbabalitang itataas ang sweldo ng manggagawa
nagsasabing bumaba ang foreign debt
bumabatikos sa kumakalaban sa sariling kampanya
umaawit na papuri sa pataas daw na ekonomiya
Hallelujiah!
Mahabaging glorya.
Kaawaan sana.
Amen.
Francis Montesena
Posted at 10:17 am by kamakata
nakibaka
Sa bawat paghakbang ng nag-aalangang mga paa
Dala-dala¡¦y takot at pangambang sa puso ay nangyayanig Isipan nama¡¦y waring dinudurog ng mapanggipit na alalahanin
At itong mga mata ko ay natatakot nang tumingin sa paligid Sa pagkadulipas ng paningin sa madugong pangitain Kaya¡¦t ang salamin ng katotohanan animo¡¦y pinipiringan
Matitipunong mga kamay laging ikinukumo Dahilan sa galit na laging ipinupukol Dating malayang kamao ngayo¡¦y ikinukulong Ng mga posas at tanikalang bakal
Isang dipang pag-asa ay hindi mo na matanaw Sa gitna ng nahahawakang dilim at pusikit na panahon Kahintakutan ang idinidikdik sa bawat taong lalaban Sa puwersa ng rehimeng at dinastiyang mga lider Anupa¡¦t ipapaslang ang pipiyok sa pamamahala
Ang dating matapang at malayang tinig At ang alingawngaw ng paghahayag ng katotohanan Sa EDSA man o Mendiola ngayon ay nasaan? Dahilan ba sa takot kaya¡¦t hindi maapuhap Ang malakihang pagpupulong ngayong dagling tinitibag Upang ang lakas ng puwersa hindi na makapaglayag
Ang pamamahayag ng tinta at imprenta Unti unti nang sinasakal ng berdugo¡¦t maninila Karapatan sa pagsusulat ibayong nagdurusa Sa piling ng mga pugante na gahaman sa kapangyarihan Itong pulisya at mga sundalo sunud-sunuran sa liderato Na sa kung anong layon sa tungkulin ba¡¦y tumutugon? Taong baya¡¦y kimi sa batas militar na pangulo.
Rey Tamayo
Posted at 10:17 am by kamakata
nakibaka
Ang Pagdakip sa Aking Tula
Hindi ako nakapaghanda, binigla.
Dinakip ang aking mga salita.
Binusalan ang mga paksang hindi raw kailangang itago sa mga imahe.
Itinali ang dulo ng mga saknong upang mahinto ang pagdugtong ng mga adhika.
Dahil sa pula ang kulay ng tinta... bawal.
Di raw kailangang humiyaw ng panghihikayat ang aking mga titik.
Isang paniniil,
Sa mga daliring kumikiwal ilabas ang totoo sa mga likhang hindi kaylanman maikukulong ng anumang batas na pumipigil sa pag-aaklas ng dibdib; Mga tulang di magpapatalo.
Akala lang nila na wala akong magagawa.
Francis Montesena
Posted at 10:17 am by kamakata
nakibaka
Nakasisilaw ang hedlayt ng mga rumaragasa. Dumating kami dito nang walang tao,
Malawak ang espasyo, lubhang tahimik. Hindi katulad ng dati, sabi ng matandang
Aktibista, habang sinasaid ang bote Sa isang huntahan. Naririto kami sa pagitan
Ng kasaysayan at pagkalimot. Sa balita, Inimbitahan ng mga pulis ang isang katulad
Ng matanda. May nagbanggit ng paninikil, Pag-uulit ng mga kaganapan, diktadurya,
Bakit ngayon pa? Anibersaryo ng magkasintahan At ito ang ipinagdiriwang ng binata¡¦t dalaga.
Tinitingala namin ang pumanaw upang magsilbing Ningas, ang nagsa-tansong mga tinig na nagtipon
Dito, mga boses na inangkin ang marapat Na kanila. Lahat ng ito¡¦y nakaraan na.
Naririto kami, nangungusap ng mga simbolo. Sa mga dumaraan, halikayo,
Magsindi ng kandila sa panahon ng ligalig, Sa halip na murahin ang dilim.
Halikayo, hindi init ang hinahanap namin Kundi liwanag; mabilis itong nagagapi
Ng hangin, napapaso kami upang magpanatili. Nagugunita ang kuwento ng isang ina
Tungkol sa gamu-gamo. May humihinto¡¦t bumubusina; Halikayo, saksihan ang nais sa mga iglap ng liyab ¡V
Kapayapaan, kalayaan, katotohanan, isang gabi Ng panatag na pananaginip. Sa ibang panahon,
Sumisigaw ako ng hustisya, katarungan, Subalit hindi ito ang tunay na ibig
Sabihin. Papet, pasista, patalsikin, patalsi-. Hindi ito, hindi ito, kundi makiramdam,
Pakiusap, makiramdam kayo sa amin.
Ernanie Rafael
Posted at 10:17 am by kamakata
nakibaka
Proklamasyon 1017 (Bersyong 2006)
Walang magrereklamo, Walang magsasabing siya'y nagugutom, Walang magdadasal ng tipun-tipon O sisigaw nang sabay-sabay O gagawa ng anumang bagay Na makasisira sa reputasyon Ng gobyernong kumalinga
Sa inyo nang tapat At buong puso. Ang katanggap-tanggap Lamang na mga salita
Ay sabihing ika'y mamamayan Ng isang matatag na republika Sa ilalim Ng isang matatag na pangulo. Ang susuway ay dadakpin, Aagawan ng ari-arian, Aalisan ng kalayaan, Tatatakan sa ulo ng marka ng terorista At ipauubaya
Sa kamay ng militar.
Marlon Hacla
Posted at 10:17 am by kamakata
nakibaka
Palasak na wika ang salitang pag aaklas Dulot ng kawing-kawing iba¡¦t ibang kadahilanan Nagsisilbing panagot sa pang-aaping naranasan At mga kabiguan sa mga taong pangahas. Ngunit ang puhunan ng mga ito Ay tapang at talino Upang maibagsak ang mapaniil na isipan Gumiba ng mga prinsipyo at kathang mapanlinlang At maitatag ang paniniwalang totoo. Ang adhikaing magpapalaya Sa mga bilanggo ng pagkaapi
Pag-aaklas laban sa kamay ng berdugo Upang itong buhay makakalag sa tanikala Anupa¡¦t ialay kung minsan Itong dunong at lakas Kahit na ang kapalit ay magitlang kamatayan Dumaloy man ang dugo Sa kamay ng bala ng kalaban Ang mahalaga¡¦y hawak ang isang paninindigan Ang mabuhay tuwina Sa marangal na bayan Kaluluwa nitong watawat ay ang pag aaklas.
Rey Tamayo
Posted at 10:17 am by kamakata
nakibaka
Talbog si Rustom Padilla nang mag-OUT si Gloria; closet queen palang pasista.
Mark Angeles
Posted at 10:17 am by kamakata
nakibaka
Nang Bawiin ang Proklamasyon 1017
Ibinaba ang kautusang takpan ang imbornal na asal niyang umaalingasaw At parusahan ang mga tahasang magsasabing sila ay nababahuan
Mababawasan nga ba ang sangsang sa paligid gayong butas ang panaklob? Mapipigilan kaya ang panganganak ng mga namiyestang langaw at lamok? Magagamot ba ang nanikip at nasugatang baga ng mga nakasinghot Na hanggang ngayo'y nakaratay sa pagamutang walang bubong?
Matindi na ang kumplikasyon ng kontaminasyon Tumutusok at lumilikha ng malaking siwang sa osown Kaya nga tayo binabato ng masungit na araw At nginangalirang ang mga dahong dati'y silungan
Kanino isisisi ang pagsiklab ng damdamin, sa langit? Kanino ibibintang ang malawakang pag-aaklas Ng mga taong nabubulunan sa di-malunok na palakad At nasasakal sa kabantutan ng mandarayang pamamahala?
Iniangat na ang pansamantalang panaklob-singaw Iniatras na ang sandatang batas-kontra-katuwiran Malaya na muli tayong makaiiyak Habang hindi tumitila ang alingasaw
Lolito Go
Posted at 10:17 am by kamakata
nakibaka
numero daw ang sagot sa problema ng bayan. si makoy may pd 1081, si ramos may pilipinas 2000 eto ngayon si gloring may pp 1017.
sinubukan kong tayaan ang lahat ng iyan, sa jueteng, lotteng ending, sa lotto; pero anak ng pating! wala ni isang nanalo.
numero daw ang sasalba sa mga pilipino. konting dagdag, konting tapyas, lahat yan may kinalaman sa numero. dagdag na porsyento sa buwis, dagdag na tao sa gobyerno, dagdag na miyembro sa gabinete, dagdag na budget sa sosyalan welfare, dagdag na boto sa kahon kaltas nang konti sa kabilang kahon. dagdag na pahirap sa tao.
sa numero daw nakasalalay ang ikauunlad ng bansa. numero ang economics, ang stock market, ang foreign debt. numero din ang dollar reserves, peso, yen, numero ang pera! numero ang nakalagay sa statement of assests and liabilities, numero ang bilang ng mga nagugutom sa ilalim ng tulay, numero ang buwis, dagdag na buwis, interes sa buwis, di nakolektang buwis, dinayang buwis, numero ang buwis - sit! numero ang accounting, ang auditing, numero ang sanhi ng corruption, ang height ng corrupt, numero ang 1081, ang 1017, at numero din ang amoy ng batas militar!
Juaquin Mapagpanggap
Posted at 10:17 am by kamakata
nakibaka
|
|
|
"Laging mapanganib ang hamon ng kasalukuyan sa bisa ng talinghaga. Sa harap ng mga proklamasyon ng kapangyarihan, narito ang mga pahayag na hindi tumatalikod sa talagang nakapangyayari, at walang pagwawalambahala sa ipinapataw na pamamahala."
Edgar Calabia Samar
"Here are the verses from poets who are committed to their craft -- and to their
convictions. These poets wield their art like a scalpel to expose the malignancy of the usurper in Malacañang. Something is rotten in the state of the nation, and their poems are a call to action."
Zaldy Dandan

JAIME ADRIANO
Tubong Pateros si Chuy tulad ng kanyang idolong makata na si Pete Lacaba. Karamihan sa kanyang mga likha ay tungkol sa maseselan ngunit lantarang katotohanan sa lipunan na ayon sa kanya’y pawang ka-chorvahan lamang. Nagtapos siya ng kursong Commerce major in Business Administration sa UST kung saan dati rin siyang Managing Editor ng kanilang college publication. Magkakasundo kayo kung bibigyan niyo siya ng beer at tatabihan habang nanonood ng mga taong naglalakad. Mas mahaba pa ang profile na ito kesa sa tula niya. Mag-ingat sa magnanakaw. Love, LRT.
MARK ANGELES
Nakilala sa cyber-alyas na Makoy Dakuykoy. Hindi nasindak ng Strong Republic ang kanyang blog [www.tabulas.com/~soulfly] at nagpapaskil na ng mga entri na kritikal sa rehimeng Arroyo simula nang itatag niya ito noong 2003. Dating vice president for Luzon ng College Editors Guild of the Philippines. Nakapaglathala na sa Liwayway, Sunday Inquirer Magazine, Literary Apprentice at iba pa.
JAKE FAJARDO
Si Kalteng ay 5'8" pero sa panaginip nya lang yon. Mahilig matulog nang nakadapa dahil iyon daw ang paraan para magkatotoo ang mga wet dreams n'ya ayon sa isang kainuman. Nangangarap na sana bumagsak yung anvil na gamit sa Looney Toons sa ulo ni GMA habang nagpipilit s'yang magmukhang kasimpa-simpatiya in front of national TV.
LOLITO GO
Si Bum na ata ang may pinakamaikling apelyido at pinakamahabang buhok sa PinoyPoets. Dalawampung taon na ang lumipas simula nang isilang siya sa tulong ng isang hilot sa Olongapo. Dalawampung taon na siyang lihis sa mga karaniwang gawing mortal. Dalawampung taon na siyang kumakanta, dalawampung taon na rin siyang tumutula. Patay na ang kaniyang kumadrona, buhay pa ang mga peste sa lipunan. Patuloy siyang makikibaka upang isulong ang sining at ang katarungang panlahat. Hindi siya natatakot makulong o mapatay.
MARLON HACLA
Si Marlon ay tubong Taguig, Metro Manila. Siya ay nagta-trabaho bilang isang system analyst sa isang kumpanya sa Makati. Nagtapos siya ng Computer Science sa Unibersidad ng Pilipinas. Siya ay kasapi ng Pinoypoets, isang komunidad ng mga makatang Pilipino.
MEDEL MERCADO
"Ako si Empoy, kapampangan pero galit sa kapwa kapampangang nasa palasyo."
FRANCIS MONTESENA
Lumaki siya sa Majayjay Laguna, nag-aral sa Pamantasan ng Silangan (Caloocan) at namulat ang mata sa gulo ng syudad at lipunan. Isang propesyunal na tagabilang, tagakipkip at tagapag-ingat ng yaman ng isang kumpanyang pag-aari ng isang dayuhan sa lungsod ng Makati. Walang pang pananagutan at namumuhay ng mag-isa sa tahanang pinaglagyan ng kaniyang mga pagsisinop sa buhay.
Hindi bulag at pipi sa mga nangyayari at kinakandili ang kapangyarihan ng salita upang maging mukha ng kaniyang damdamin.
ERNANIE RAFAEL
Si Nanoy ay naniniwala sa Diyos, at naniniwalang ang Diyos ay lubhang mabuti. Hindi siya pinili ng Diyos ngunit maaari din.
JONAR SABILANO
Dating patnugot ng Matanglawin.org, ang online na pahayagang pangmag-aaral ng Pamantasang Ateneo de Manila. Naging kasapi rin siya ng Heights, ang pahayagang pampanitikan ng nasabing pamantasan, at naging fellow para sa tulang Filipino sa Ateneo-Heights Writers' Workshop noong 2002. Kasalukuyang nagtatrabaho sa isang kumpanyang IT sa Lungsod Quezon at suma-sideline bilang gitarista ng bandang Petiks Department. Ilalabas na rin ang kanyang unang chapbook ngayong tag-araw.
REY TAMAYO
Isinilang si Rey sa maliit na bayan ng Jaro, Leyte ngunit nagkamalay at natotong kumatha ng mga tula sa Metro Manila. Siya'y naging Editorial Assistant ng diaryong Tambuli at Bayanihan na lingguhang lumalabas sa mga piling lugar sa Manila. Sa South Eastern College sinubukang kumuha ng kursong Bachelor of Arts in literature. Sa kasalukuyan siya ay aktibong lumalahok sa mga taunang patimpalak gaya ng Don Carlos Palanca Awards for Literature, Talaang Ginto ng KWF at sa Writers Prizes ng NCCA.
|
|